Records ng guidance counselor, bawal gamiting ebidensiya nang walang pahintulot ng kliyente
- BULGAR

- Aug 21, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang gamiting ebidensiya ang records ng guidance counselor na naglalaman ng impormasyon o komunikasyon ng kanyang mga kliyente kahit hindi sila nagbigay ng pahintulot? — Angie
Dear Angie,
Para sa iyong kaalaman, ang iyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 28 ng Republic Act No. 9258 o mas kilala sa tawag na “Guidance and Counseling Act of 2004” kung saan nakasaad na hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang layunin at anumang paglilitis ang records ng licensed guidance counselor na naglalaman ng impormasyon o komunikasyon ng kanyang mga kliyente kung wala silang pahintulot:
“Sec. 28. Right to Privilege Communication for Guidance Counselor. – A certified guidance counselor who is allowed to practice guidance and counseling in accordance with this Act, without the consent of the client, be examined as to any communication or information which has been acquired while attending to such client. The protection accorded herein shall also be extended to the records and secretary or clerk of a licensed guidance counselor, who may not be examined concerning any fact, the knowledge of which has been acquired in such capacity.
Any evidence obtained in violation of this provision shall be inadmissible for any purpose and any proceeding.” (Binigyang-diin)
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments