Mga plastik na cong., naglabasan sa pagkamatay ni Gina Lopez
- BULGAR

- Aug 21, 2019
- 2 min read
MGA NAG-REJECT KAY GINA LOPEZ, PEKE ANG PAKIKIRAMAY SA KANYANG PAGKAWALA—Ilang mambabatas na miyembro ng Commission on Appointments (CA) ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagkawala ni ex-DENR Sec. Gina Lopez.
Ang pakikiramay nilang ito ay masasabing peke kasi matapos nilang i-reject noon ang appointment ni ex-Sec. Lopez sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay kesyo nalulungkot daw sila sa pagkawala nito kaya sila raw ay nakikiramay, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
KAPAG PINATULAN ANG IMPEACHMENT VS. GUANZON, MALINAW NA MALAKAS SI CARDEMA KAY CAYETANO—Nagbanta si ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na ipai-impeach daw niya sa Kongreso si Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pag-reject nito sa kanya para maging congressman ng Duterte Youth Partylist.
Kapag ang ihahaing impeachment kay Guanzon ay pinatulan ng Kongreso, ibig sabihin, ubod nang lakas ni Cardema kay House Speaker Alan Peter Cayetano, boom!
◘◘◘
SABLAY ANG STATEMENT NI CAYETANO VS. VIETNAM AT MALAYSIA—Sablay ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi lang daw ang China ang sumakop sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) kundi pati raw ang Vietnam at Malaysia, dahil ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, wala raw alinman sa mga teritoryo ng bansa sa WPS ang sinakop ng dalawang bansang ito (Vietnam at Malaysia).
Hay, naku, makapagsipsip lang sa China, pati Vietnam at Malaysia, idinamay pa ng House Speaker sa isyung pang-aagaw ng teritoryo sa WPS, boom!
◘◘◘
GEN. ESCOBAL, COL. ASUETA AT GOV. BICHARA, “NGANGA” SA RAKET NA JUETENG SA ALBAY—Nagkalat na raw ngayon ang mga kubrador ng jueteng nina “Jun Moriones”, “Mang Ramon” at “Medy” sa Albay.
Ang nakapagtataka, sa kabila na ipinatigil ni P-Duterte ang ilang legal na pasugalan ng PCSO ay dedma lang sina PNP-Region 5 Director Brig. Gen. Arnel Escobal, Albay PNP Director, Col. Wilson Asueta at Albay Gov. Al Francis Bichara sa illegal gambling ng tatlong iligalista sa kanilang jurisdiction, mga pwe!





Comments