top of page

Kaya hinay-hinay lang, mga lodi... SOBRANG SAYA, NAKAMAMATAY!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 2 min read

MADALAS nating marinig sa mga nakatatanda na ang lahat ng sobra ay ma­sama. ‘Ika nga nila, ang lahat ng mga bagay ay dapat maging balanse lang. Tunay na makabubuti sa kalusugan ang pagiging masaya dahil nagsisilbi itong motibasyon para i-pursue natin ang goals natin at da­hil sa happiness kaya tayo nalalayo sa epekto ng stress at iba pang mental ail­ments.

Ngunit, ayon kay Dr. June Gruber, licensed clinical psychologist, kung ang sobrang kalungkutan ay naka­pagdudulot ng negatibong bagay, ganundin ang sob­rang kasiyahan. Hala!

Kapag masaya tayo, nagiging bukas ang isipan natin sa mga ba­gay-bagay. Nagiging mas malikhain tayo dahil sa positibong pananaw na naidudulot ng saya sa isip natin.

Pero, ayon sa meta-analysis sa mood at crea­tivity ni Mark Alan Davis ng University of Texas, ang sobrang kasi­yahan o kaligayahan ay hindi rin maganda dahil na­wawala tayo sa focus sa mga ba­gay na gina­gawa natin na nakaa­apekto sa ating creativity sa trabaho man o pag-aaral.

Ayon din sa psycho­logist na si Barbara Fre­drickson, ang sobrang kaligayahan at kalungkutan ay parehong dahilan ng pagiging inflexible ng indibid­wal.

Ayon naman sa author na si Anna O’Faolan, sa sobrang kasiyahan, ang utak natin ay nakatuon lamang sa happy moments at hindi sa problem-solving mode.

Dagdag pa rito, may mga pagkakataong kapag ka­sama natin ang barkada, tila nawawala tayo sa katinuan dahil sa sobrang saya na parang pakiramdam natin, eh, tayo lang ang tao sa mundo.

Kapag sobrang saya natin, nagiging super excited tayo sa mga bagay-bagay na kung minsan ay naka­lilimot tayo sa mga limitasyon natin. Ito ang tinatawag na “happiness overdrive,” punto ng kasiyahan na na­kapagdudulot ng riskier behavior na nagdidikta sa atin na huwag isipin ang mga kapahamakang puwedeng mangyari.

Halimbawa na lang nito ang labis na pag-inom ng alak na tinatawag nilang “happenings.” Kahit alam ni­lang pagsusuka at sakit lang ng ulo ang maidudulot nito, ginagawa pa rin ng karamihan.

Gayundin ang pagkain ng marami na kahit ilang ulit mo nang sinasabing diet ka, kapag masaya ka, nakaka­limutan mong diet ka nga pala.

Samantala, ayon sa Swiss Researchers ng University Hospital Zurich, napag-alaman na ang labis na kasi­yahan ay nakapagti-trigger ng Takotsubo Syndrome o broken-heart syndrome na nagiging dahilan ng biglaang paghina ng heart muscles.

Sa datos ng European Heart Journal, sa 495 pas­yente, 4% dito ang naitalang mayroong deadly con­dition dahil sa labis na kaligayahan.

Now we know, mga ‘tol! Kaya chill-chill lang tayo. Iwasan natin ang labis na kalungkutan at kaligayahan. Sabi nga ng author na si Jonathan Safran Foer, “you can­not protect yourself from sadness without pro­tecting yourself from happiness.”

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page