top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kapuso actress, walang kamalay-malay… BEA BINENE, DAMAY KINA BEA-GERALD-JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

MALUNGKOT ang fans nina Bea Bi­nene at Derrick Monasterio dahil hindi sila ang magkapareha sa bagong primetime series ng GMA-7 na Beautiful Justice. Si Gabbi Garcia ang kapa­reha rito ni Derrick at parang si Gil Cuerva ang love interest ni Bea.

Sa publicity photos na nakita namin, tila lightsaber ang weapon ni Bea at baril naman ang kina Yasmien at Gabbi. Nag-trai­ning si Bea ng Krav Maga at dahil matagal nang nagte-training ng wushu, madali na sa kanya ang gumawa ng action scenes.

Ang Beautiful Justice ay mula sa direction ni Mark Reyes at itatapat ng GMA-7 sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. Mga babae ang makakala­ban ni Coco this time, tingnan natin ang resulta.

Natawa lang kami at tiyak, pati ang Kapuso actress dahil may mga nag-akalang siya ang Bea sa Bea-Gerald-Julia issue. May nag-comment na magpaka­tatag lang siya at magiging okay din ang lahat. Mag-smile lang daw siya sa grabeng ginawa sa kanya ni Gerald Anderson.

May netizen na hindi nakatiis at nilinaw na si Bea Alonzo at hindi si Bea Binene ang may isyu kay Ge­rald.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page