Kapitbahay, wanted | MISTER HINATAW NG TUBO SA ULO AT MUKHA, TODAS
- Levi Gonzales
- Aug 21, 2019
- 1 min read

HALOS lumuwa ang mga mata at lumabas ang utak ng isang mister matapos hatawin ng tubo ng kanyang kapitbahay sa Bgy. Libato Palahanan 2nd, San Juan, Batangas.
Alas-3:35 ng hapon habang nasa kasalan ang biktimang si Nelson Sulit, 46, may asawa, pot maker at nakaupo lamang nang lapitan ito ng suspek na si Charlie Estriliado alyas Bubot, 40, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.
Agad umano siyang hinataw ng tubo hanggang sa bumagsak at pagtayo nito upang lumaban ay muli siyang hinataw sa mukha at ulo dahilan ng paglabas ng utak nito at pagluwa pa ng mga mata.
Mabilis namang tumakas ang suspek kasama ang isa pang hindi pa matukoy na suspek na tumulong sa pagpatay sa biktima.
Ayon pa sa pamilya nito, madalas umanong hinahamon ng taga ng suspek ang biktima sa tuwing ito ay nalalasing.





Comments