Kagawad niratrat, pari nadamay

SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Shetelig Ave., Bgy. 3-D, San Pablo City, Laguna. Batay sa initial report, alas-2:15 ng hapon, sakay ng kanyang Toyota Fortuner ang biktimang si Richard Galit, 36, may asawa, ng Bgy. Concepcion. Pagtigil sa stop light nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang armadong lalaki.
Agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas.
Nadamay naman ang isa pang motorista kung saan sakay ng kanyang Isuzu Mux ang biktimang si Emil Larano, 40, parish priest, ng Bgy. Bagong Bayan.
Dinala ang dalawang biktima sa pagamutan ngunit, nasa kritikal pang kondisyon si Galit habang nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat ang pari.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa motibo sa insidente at maging ang nasa likod ng pamamaril.





Comments