Drug den ni-raid, 5 tiklo
- Jeff Tumbado
- Aug 21, 2019
- 1 min read

TIMBOG ang 5 indibidwal kabilang ang isang Korean national at kawani ng gobyerno matapos salakayin ang drug den sa Angeles City, Pampanga.
Kabilang sa mga naaresto si Suh Jun Hong at sinasabing empleyado ng DSWD na si Michael Meriales. Nahuli rin sina Reynon Batchiller, Patrick Labanza at Maria Sangalang.
Isinagawa ang pagsalakay ng Drug Enforcement Group at Intelligence Branch ng Angeles City Police Office (ACPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Airforce sa isang eksklusibong subdibisyon sa Bgy. Balibago, pasado alas-2:00 ng madaling-araw, kahapon.
Ayon kay Police Lt. Col. Narvin Mangune, nasamsam ng mga awtoridad sa naturang drug den ang 5 pakete ng hinihinalang shabu, 5 pakete ng ecstacy, 2 pakete ng high grade marijuana at iba pang drug paraphernalias.





Comments