Wanted na rapist, timbog
Pabs Hernandez III
Aug 20, 2019
1 min read
ORIENTAL MINDORO—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dulangan 1, Baco.
Ang suspek ay kinilalang si Ernie Manlangit, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Manlangit sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Manlangit nang dakpin ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments