Vice, nanawagan, may sagot agad…CR PARA SA MGA BAKLA AT TIBO, APRUB KAY P-DIGONG!
- Janice DS Navida
- Aug 20, 2019
- 1 min read

TIYAK na ikatutuwa ng LGBTQ+ community, partikular nina Vice Ganda at Ice Seguerra, ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa panayam sa kanya sa ANC na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasa sa SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) Bill at maging ang hiling na magkaroon ng separate comfort room ang mga miyembro ng third sex.
Ayon kay Panelo, pareho silang naniniwala ng pangulo na panahon na para magkaroon ng sariling CR ang mga bading at tibo.
“Sabi niya (Duterte), ‘Dapat, meron nang third restroom for them.’ Pinag-usapan namin ‘yun kahapon,” ayon pa sa presidential spokesperson.
Dagdag pa niya, “Hindi, tama naman ‘yun, eh. Ako, I agree na dapat talaga, may third restroom for them para walang problema, ‘di ba? That will solve everything kasi papasok ka sa female, siyempre, ‘di rin komportable ‘yung mga babae, alam nila, lalaki pala ‘yun. Ganoon din sa kabila. The best is you have a third restroom for them.”
Oh, devah? Mukhang mabilis na nakarating sa Palasyo ang panawagan ni Vice Ganda na bigyan ng sariling CR ang LGBTQ+ community.
Samantala, isa si Panelo sa mga dumalo sa ginanap na advance celebration ng Chinese tradition na Moon Festival sa Oriental Palace Resto sa QC nu’ng August 17.
Pinangunahan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) headed by its president na si Dr. Henry Lim Bon Liong ang naturang thanksgiving luncheon for the media.
Ayon kay Panelo, hindi man nakadalo roon ang pangulo na alam nating ‘close’ kay Chinese President Xi Jinping, suportado nito ang pagdiriwang ng Moon Festival a.k.a. Mid-Autumn Festival na ang exact date ay sa Sept. 13.





Comments