PAHIRAPAN ANG BAKBAKAN NG BACOOR AT BATANGAS
- BULGAR

- Aug 20, 2019
- 1 min read

MAGSASAGUPA ang powerhouse Southern Tagalog teams na Bacoor at host team Batangas City sa main game ng MPBL Lakan Season sa Batangas City Coliseum mamayang hapon.
Nakatuntong ang Strikers sa 2nd to 3rd places ng General Santos City Warriors sa southern division ng torneo ni Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang Commissioner.
Parehong may hawak na 8-2 slates ang Bacoor at GenSan pero, mas mahihirapan ang Strikers sa Batangas City Athletics-Tanduay ng 8:30 p.m. main game sa nakaiskedyul na triple header. Inaasahan ng Athletics na ipaparada si Jeff Viernes na hindi nakasali sa nakaraan nilang laro kontra sa Pasig-Sta. Lucia Realtors.
Hindi nakalaro si Viernes sa huling dalawang game ng team dahil hinati ng Athletics ang players at pinahirapan pa sa laro ng Realtors sa sarili nilang homecourt.
Maglalaban ang Basilan at Navotas sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon habang ang Imus at Nueva Ecija ay sa ganap na alas-6:30 ng hapon.
Nanggaling ang Steel sa 86-80 na pagkatalo sa Makati Super Crunch. Sa kartadang 6-4 naglalaro sila sa 4th to 5th places kapatas ang Zamboanga sa southern division. (MC)
Laro Ngayon: (Batangas City Coliseum) 4 p.m. – Navotas vs Basilan; 6:30 p.m. – Imus vs Nueva Ecija; 8:30 p.m. – Bacoor vs Batangas City





Comments