top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P1,000 hanggang P5,000 at kulong | Parusa sa mga manghuhusga sa LGBTQ+

Ryan B. Sison
Aug 20, 2019
2 min read

Noong nakaraang linggo, naging laman ng balita ang diskriminasyong naranasan ng transwoman na si Gretchen Custodio Diez sa kamay ng empleyado ng Farmers Plaza sa Cu­bao dahil sa paggamit nito ng banyo ng mga babae.

Ipinahiya at pansamantalang na-detain si Diez matapos ireklamo ng unjust vexation dahil sa pagkuha ng video ng insidente habang kinasuhan nito ang mall ng paglabag sa Gender Fair Ordinance ng Quezon City.

Ang Gender Fair Ordinance ay ginawa ni Councilor Mayen Juico at naipasa noong Nobyembre 28, 2014 kung saan ipinagbaba­wal nito ang anumang uri ng diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa trabaho o paaralan man gayundin, dapat makakuha ang mga ito ng pantay na pagtrato anuman ang kanilang sexual orientation at gender identity and expression.

Bukod pa rito, nakapaloob sa ordinansa ang pagkakaroon ng mga ahensiya ng gobyerno, pribadong opisina at mga establisimyento ng ‘All-Gender Toilet’ o gender neutral CR.

‘Yun nga lang, mukhang maraming tutol sa ganitong sistema dahil maaari rin itong pagmulan ng iba pang problema.

Gayunman, batay sa ordinansa, dalawang buwan hanggang isang taong pagkakakulong at multa mula P1, 000 hanggang P5, 000 ang parusa sa sinumang lalabag sa Gender Fair Ordinance.

Kaya kung tutuusin, hindi lang mga kina­uukulan ang dapat gumawa ng paraan para ang diskriminasyon sa bansa ay tuluyan nang matul­dukan dahil tayong mamamayan ay kailangang sumunod at maging maalam pag­dating sa mga ganitong isyu ng bayan.

Kaya ang pakiusap natin sa lahat, tingnan ang bawat isa nang pantay-pantay, lalo na at pare-pareho tayong tao na may kani-kanyang pangangailangan.

Gayundin, huwag samantalahin at gamitin ang ordinansa sa kasamaan, respeto at disip­lina ang pairalin nang sa gayun ay makitang may natututunan tayo sa mga nangyayari sa nakaraan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page