top of page
Pokwang.jpg

NAGKATABLAHAN PA, PERO KAY GM ANTONIO ANG KORONA

Eddie M. Paez, Jr.
Aug 20, 2019
1 min read

PHOTOFINISH ang naging resulta ng bakbakan ng mga kapwa Grandmasters na sina Rogelio Antonio Jr. at Jayson Gonzales ng Pilipinas sa meta pero sa dakong huli ay napunta sa una ang korona ng 10th IGB Dato Tan Chin Nam International Seniors Open Chess Championship sa Dato Arthur Tan Chess Center ng Kuala Lumpur, Malaysia.

Tumabla ang topseeded na si Antonio (rating: 2425) sa huling round laban kay Ukrainian International Master Mikhail Vasilyev samantalang pinataob ni Gonzales, ranked no. 2 sa pre-tournament at may rating na 2363, si untitled Soi-Hock Lee ng Malaysia kaya kapwa tumapos na may tig-pipitong puntos ang dalawang Pinoy sa unahan ng pulutong. Limang panalo at apat na tabla ang pinaghugutan nila ng produksiyong ito.

Pero nang lapatan na ng tuntunin sa tiebreak, ang 57-anyos at dating Philippine chess king na si Antonio ang nakasampa sa trono.

Bukod sa kalahating puntos mula sa Ukraine gem, nakakuha rin ng panalo si Antonio, papunta sa Romania ngayong 2019 para lumahok sa World Seniors Championship, gayundin si FIDE Master Maksum Firdaus ng Indonesia na nag-4th sa torneo at si Kiwi Candidate Master Hilton Bennett.

Samantala, nanggulat ang 13-anyos na si FIDE Master Alekhine Nouri sa Malaysian Chess Blitz Festival matapos makakuha ng 7 panalo mula sa 9 rounds para makapasok sa top 5 sa kabila nang paglahok dito ng GMs at IMs.

Kung tutuusin ay pare-pareho sila ng iskor ng mga players na tumersera (GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran) at 4th si Vietnamese IM Tuan Minh Le pero, dumausdos sa 5th place ang Pinoy teener dahil sa may kahinaang tiebreak output.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page