top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Madir mo, Daniel, super-inlab… KARLA, INILANTAD NA ANG BAGONG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

INILANTAD na ni Karla Estrada ang pinaka­tatagu-tago niyang karelasyon sa publiko. Buong-ningning na nakipagpiktyuran si Karla kasama ang pinag­dududahan na boyfriend niya sa second anniversary ng resto ng anak niyang si Daniel Padilla.

Obvious ang pagiging in love ni Karla that night. Naggo-glow ang kanyang mga mata at ubod nang tamis ang kanyang mga ngiti sa mga naglabasang litrato niya habang nakayakap ang isang braso’t balikat sa bandang ibaba ng likod ni mystery guy.

Inamin ni Karla na masaya ang kanyang love life. At mukhang finally ay approved na kay Daniel ang mystery guy ni Karla kaya naging open na siya na ilantad ang hinuhulaang boyfriend ng isa sa Magandang Buhay hosts.

Ayon kay Karla, ever since naman ay supportive ang mga anak niya sa kanyang pakikipagrelasyon. Never naman daw kasi siyang “nagkalat,” na baka ang ibig niyang sabihin ay hindi naman siya kung kani-kanino na lang nakipagrelasyon at nadawit sa mga iskandalo.

Napaka-private raw niya pagdating sa kanyang love life. In fairness to her, mukhang ngayon lang ulit nakitang may kasamang lalaki si Karla sa harap ng publiko.

Sa paglantad ng mystery guy sa buhay ni Karla, ibig kayang sabihin nito ay tanggap na ni Daniel ‘yung guy at papayag na rin kaya siya na magpakasal ang kanyang ina?

Sa huling panayam kay Daniel sa Magandang Buhay ay umiiwas siyang mapag-usapan ang tungkol sa love life ng kanyang ina. Much more kapag natatanong kung papayag ba siyang maikasal na si Karla sa karelasyon.

This time kaya ay napapayag na ni Karla si Daniel na magpakasal sa paglantad ng mystery guy sa buhay niya? Or nagkaroon ng ‘deal’ ang mag-ina pagdating sa usapin ng pag-ibig?

Tanda pa namin na isa sa mga wishes kay Karla ng mga kaibigan at kasama niyang hosts sa Magandang Buhay (na napapanood tuwing umaga, 8 AM sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes) na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay ang maikasal na ang ina ni Daniel.

For sure, matagal nang kilala nina Jolina at Melai ang mystery guy ng nanay ni Daniel kaya ‘yan ang naging wish nila kay Momshie Karla. At malamang, isang bonggang episode ang gagawin ng Magandang Buhay para sa BIG REVEAL ni Karla tungkol sa kanyang mystery guy.

Kaabang-abang ‘yan sa Magandang Buhay. Winner tiyak ang episode na ‘yan.

Pero teka, sino kaya ang mauunang ikasal, si Daniel at ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo o si Karla at ang kanyang mystery guy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page