Last minute, umatras kay Kris, movie out sa MMFF… NETIZEN KAY DEREK: UNPROFESSIONAL!

Nitz Miralles / BIDA

DAPAT ay first shooting day ni Kris Aquino today (Tuesday) ng (K)Ampon, pero dahil hindi natuloy sa 2019 MMFF ang movie, pupunta na lang si Kris at mga anak na sina Josh at Bimby at mga kaibigan sa Boracay para hindi na raw niya maisip ang tungkol dito.
Nagpatulong si Kris sa mga followers niya sa Instagram (IG) tungkol sa kung saan ang mga okay na resto, electric trikes at iba pa sa Bora at sinagot naman siya. Hindi lang binanggit ni Kris kung saan sila mag-i-stay at kung ilang araw sila sa Boracay.
Samantala, nabasa namin ang sagot nina Kris at Derek Ramsay sa mga netizens na ang aktor at ang contract nito sa GMA Network ang sinisi sa hindi pagkakatuloy ng (K)Ampon. Unprofessional daw si Derek, ang network at handler ng aktor, dahil last minute sila nag-decide na hindi magagawa ang movie.
Humirit pa ang mga netizens na hindi maganda ang tambalan o walang chemistry sina Kris at Derek.
Sagot ni Kris, “Do not blame Derek. We spoke & I perfectly understand him.”
EDX
Sinagot din ni Derek ang netizen at nag-comment ng “Before you open your mouth, pls. find out the facts first.”
Nilinaw na nina Kris at Derek ang tungkol dito at trying to move on na ang aktres, pero obviously, hindi pa rin makapag-move on ang mga netizens. Hintayin na lang natin at matutuloy din ang pelikula ni Kris o pelikula nilang dalawa ni Derek.





Comments