top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Kung time is gold ang motto mo, read mo ‘to! TIPS PARA HINDI AGAD MAKARAMDAM NG PAGOD

  • Donna Thea Topacio
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

NAKAKAPAGOD mabu­hay, lalo na kung sa maling paraan ito inilalaan. Kaya, besh, kung pa­god ka nang mapagod, we got you dahil magbibigay kami ng tips sa inyo para malabanan ito. Ala­min ang mga bagay na da­pat gawin para maiwasan ang kapa­guran sa maghapon:

1. MAGPAPAYAT. Sa totoo lang, hindi naman isyu ang pangangatawan kung walang iniindang karamdaman ang in­dibidwal, pero kung madalas kang ma­pa­god dahil sa sobrang bigat ng iyong timbang, oras na para bawasan mo ito dahil ayon sa mga eksperto, isa ito sa mga dahilan kung bakit mas mabilis na nau­ubos ang ating enerhiya sa araw-araw.

2. GUMALAW-GALAW. Iwasan ang pag-upo nang matagal dahil kung inaakala ninyong ang paraang ito ay makase-save ng energy, eh, nagkakamali kayo! Mas tatamarin at manghihina kayo kapag madalas kayong nakaupo o walang ginagawa na may kaugnayan sa pisikal na aktibidad.

3. UMINOM NG MARAMING TUBIG. Ang pag-inom ng maraming tubig ay nakaka-hydrate matapos ang nakapapagod na araw sa eskuwelahan o trabaho. Kailangan ito ng lahat hindi lang para makahinga nang maluwag kundi para maibalik ang fluid na nawala sa atin dahil napagod tayo. Gets?

4. IHINTO ANG MGA BISYO. Ang paninigarilyo ay nakaaapekto sa ating baga at paghinga, gayundin, ang pag-inom ng alak, kaya kung madalas kang nagbibisyo, huwag ka nang mag­taka kung pakiramdam mo, eh, palagi kang pagod. Nga­yon, alam mo na kung bakit? Hmmm…

5. MAG-ALAGA NG HAYOP. Bukod sa pagka­karoon ng baby na naka­wa­wala talaga ng pagod, lalo na kung inosente pa at hindi pasaway, ang pagkakaroon ng furbaby ay nakatutulong din para pasayahin tayo na may epekto sa ating mood at pisikal na enerhiya kung saan napa­pawi nito ang pagod na naramdaman natin sa eskuwela o opi­sina, lalo na kung super pet lover ka.

Oh, ayan, bukod sa tamang pag­papahinga at pagtulog, sana ay ikonsi­dera rin ninyo ang tips na ito. Minsan, hindi maiiwasan ang mapagod, pero tulad ng robot, kailangan din nating mag-recharge. Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page