Kasabwat ng nagsunog ng kagubatan, kulong at multa rin!

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang kaparusahan sa taong tumulong o naging instrumento sa pagsusunog at paninira ng parte ng forestland? — Ira
Dear Ira,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (PD) No. 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 69 na ito na:
"Section 69. Unlawful occupation or destruction of forest lands. Any person who enters and occupies or possesses, or makes kaingin for his own private use or for others any forest land without authority under a license agreement, lease, license or permit, or in any manner destroys such forest land or part thereof, or causes any damage to the timber stand and other products and forest growths found therein, or who assists, aids or abets any other person to do so, or sets fire, or negligently permits a fire to be set in any forest land shall, upon conviction, be fined in an amount of not less than five hundred pesos (P500) nor more than twenty thousand pesos (P20,000) and imprisoned for not less than six (6) months nor more than two (2) years for each such offense, xxx”
Ayon sa nasabing batas, ang sinumang tutulong o magiging instrumento sa paninira at pagsusunog sa forest land ay pagmumultahin ng P500 hanggang P20, 000 at pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi hihigit sa dalawang taon bawat pagkakasala.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments