top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Karnaper todas sa pulis

Maeng Santos
Aug 20, 2019
1 min read

DEDBOL ang isa sa da­lawang karnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Caloocan Po­lice Chief P/Col. Noel Flo­res, minamaneho ni Analyn Bonafe, 26, CCTV operator ng Libis, Baesa ang kanyang Yamaha Mio nang harangin ng mga suspek sa kahabaan ng Libis area.

Tinutukan ng baril ng mga sus­pek ang biktima at pinababa saka tinangay ang motorsiklo.

Humingi naman ng tu­long ang biktima sa pulisya kaya agad nagkasa ng fol­low-up operation ang SIB, SSOU at PCP 3 sa pangu­nguna nina P/Maj. Raymond Nicolas at P/Capt. Jonathan Victor Olveña.

Alas-5:15 ng madaling-araw nang mamataan ng mga pulis ang mga suspek sa West Service Road, Bgy. 161 saka tinangkang pigilan subalit, pinaputukan sila ng dalawang kawatan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek at narekober sa crime scene ang motorsiklo ng bik­tima at isang cal. 38 revolver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page