top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

ISKOnek WiFi, MNL konek na lang para iwas-epal

  • Isko Moreno
  • Aug 20, 2019
  • 1 min read

NAGING isyu nitong nakaraang araw ang sinasabi ng ilan na paglabag sa sarili nating patakaran tungkol sa mga ‘epal’.

Nais nating linawin, hindi pang-eepal ang libreng proyekto na ipinagkaloob ng Eastern Telecoms upang magkaroon ng libreng internet o “WiFi” sa ilang parke sa Lungsod ng Maynila.

Kaya naman, agad nating ipinabago ang WiFi kiosk mula sa ISKOnek at ngayon ay tinatawag na itong MNL Konek.

Samantala, nais nating humingi ng pasensiya kung hindi natuwa ang ilan sa ating mga kababayan at asahan ninyo na palagi tayong makikinig sa lahat ng kanilang hinaing at reklamo.

Ganitong klase ng pamamahala at gobyerno ang inyong maaasahan sa ating liderato.

Marami pa tayong plano sa lungsod at umaasa tayo sa tulong sa bawat isa. “Let’s make Manila great again!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page