FEU, NAGKAMPEON SA TAIWAN SUMMER LEAGUE


ISA pang titulo ang nakamit ng Far Eastern University sa pagtatapos ng kanilang pre-season nang walisin nila noong nakaraang Linggo ang nilahukang 2019 Summer League sa New Taipei City.
Namuno para sa Tamaraws sina one-and-done big man Emman Ojuola at shooting forward Brandrey Bienes upang makamit ang 82-63 panalo kontra Bank of Taiwan sa finals.
Si Ojuola ang nagsimula ng opensa ng Tamaraws matapos itala ang 8 sa kanyang kabuuang 21 puntos sa first period.
Angat ng 16 puntos matapos ang first half, lalo pang lumayo ang Tamaraws sa second half hanggang sa tuluyang maselyuhan ni Bienes ang tagumpay sa ipinukol nitong tatlong triples sa 4th quarter.
Nauna rito, ginapi ng Tamaraws sa group stages ang mga koponan ng Pauian (83-73), Footer (80-73), at Hao Yu (78-60) bago muling tinalo ang Pauian, 74-73 sa semis.
Ang kampeonato ang ikatlong pre-season crown ng FEU kasunod ng 2019 Milcu Got Skills Challenge at 2019 Mayor’s Cup Invitational Basketball Tournament, Bayugan City.
Mag-uumpisa ang UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa Setyembre 4 sa Araneta Coliseum. (VA)





Comments