BIR execs na na-kidnap-for-ransom, ayaw makalkal ang yaman, takot magsumbong

NABUWAG na ang sindikato ng kidnap-for-ransom na biktima ang mga bigtime BIR executives.
Ito ay kahit tumatangging makipagtulungan ang mga biktima!
◘◘◘
AYAW ng mga biktima na mabisto ang kanilang “milyones” na kinulimbat ng mga suspek.
Ibig sabihin, matagal na itong modus-operandi, pero hindi inire-report sa pulisya dahil sa takot na “maimbestigahan”!
◘◘◘
KAPAG inimbestigahan, mabubungkal kung saan nagmula ang “milyones”.
Dahil d’yan, nawili o ginanahan ang mga suspek na palaging “mangidnap” ng BIR executives!
Sa madaling salita, ang “ninakaw” sa gobyerno ay “ninakaw” naman ng mga kidnaper!
◘◘◘
NAKIUSAP lamang sina BIR Commissioner Cesar Dulay at Finance Secretary Carlos Dominguez kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar na magsagawa ng lihim na imbestigasyon.
Nagtagumpay si Gen. Eleazar na ma-penetrate ang sindikato kung saan P20 milyon ang pinakamababang “ransom” na nakokopo ng mga suspek!
◘◘◘
NAKAHANDA na ang mga search warrant laban sa mga suspek.
Isa-isa nang inaaresto batay sa imbestigasyon na isinasagawa ng NCRPO!
◘◘◘
MAY ulat na kabilang sa mga suspek ang ilang retirado at aktibong pulis at mga pusakal na kriminal.
Anumang araw ay maibubunyag ni Gen. Eleazar ang mga nasa likod ng sindikatong ito!
◘◘◘
HINDI nagkamali ang Civil Service Commission (CSC) at maging ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng mataas na pagkilala ang performance ng NCRPO dahil sa ganitong klase ng epektibong pagkilos.
Kung ang lahat ng police district ay tulad ng NCRPO at ang mga director ay kasingsipag at tiyaga ni Gen. Eleazar, mabilis na mareresolba ang mga krimen sa ating bansa!





Comments