Pulis pinagbabaril, utas
- V. Reyes
- Aug 19, 2019
- 1 min read

INIUTOS na ang pagbuo ng Special Investigation Task Group ng Quezon City Police District upang siyasatin ang pagkamatay ng pulis na nakatalaga sa Anonas Police Station 9.
Pasado alas-6:00 kamakalawa ng gabi nang puntiryahin ng dalawang suspek si Police Master Sergeant Anthony Lacson, 40, sa Anonas Road kanto ng Pajo St., Bgy. Quirino 2A, Project 2.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang habulin at pagbabarilin ng mga suspek.
Nang sumemplang ang pulis, lumapit pa ang mga ito at muli itong binaril nang malapitan bago nagsitakas.
Bagama’t, naisugod sa Quirino Memorial Medical Center si Lacson, hindi na rin ito umabot ng buhay.
Kasabay nito, tiniyak ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel, Jr. na hindi sila titigil sa pagtutugis sa mga salarin kasabay ng apela sa nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa kanila para sa ikareresolba ng kaso.





Comments