Most wanted criminal, tiklo
- Pabs Hernandez III
- Aug 19, 2019
- 1 min read
QUIRINO — Inaresto ng pulisya ang isang most wanted criminal sa Bgy. San Ramon, Aglipay, kamakalawa.
Ang suspek ay kinilalang si Severo Magastino, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng mga tauhan ng pulisya si Magastino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments