top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

MIOCIC, HEAVYWEIGHT CHAMP ULIT SA UFC 241

MC / Gerard Arce
Aug 19, 2019
1 min read

MULING naangkin ni Stipe Miocic ang heavyweight title sa bisa ng nakagigitlang 4th round knockout na ibinigay kay Daniel Cormier maging si Nate Diaz sa isang dominanteng desisyon na panalo kontra Anthony Pettis sa una niyang laban sa loob ng nakaraang taltong taon sa UFC 241 kahapon.

Kumalog si dating Olympic wrestler Cormier sa mahahabang biyas ni Miocic nang padapuan niya ang una ng mabibigat na mga upak kasunod na single-leg takedown at tuluyang dominahin ang kasagupa sa sahig.

Hindi nagpatinag si Miocic na dating naagawan ng heavweight belt ni Cormier sa bisa ng first-round knockout noong Hulyo 2018 at nagpaulan ng mabibigat na upak.

Kitang-kita na sa huling yugto ang sobrang pagod ng dalawa, kaya binago ni Miocic ang kanyang taktika sa 4th round, nagpakawala ng sunud-sunod na kaliwang upak sa katawan ng kasagupa hanggang sa sumuko na ito at inihinto na ang laban sa 51 segundo.

Samantala, sa co-main event, hindi naman nagpakita ng kahinaan si Diaz sa kabila ng 3 taon na bakasyon sa nakaraang laban kontra Conor McGregor, nakontrol ang tempo kontra dating lightweight champion Pettis.

Sa kanyang welterweight fight, nagpadapo ang California native na si Diaz ng upak na nagpabagsak sa kasagupa sa first round bago tuluyang pinasuko si Pettis sa fence sa 2nd at saka sinukol ng bigwas sa ulo at katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page