GMA-7, may bagong Drama Princesses na! BIANCA, BARBIE AT BEA, MAY KAPALIT NA!
- BULGAR

- Aug 19, 2019
- 1 min read

MAY mga bagong Drama Princesses nang aalagaan ngayon ang GMA-7 sa katauhan nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.
Naaalala namin sa kanila sina Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Bianca Umali, atbp. dating young stars ng Kapuso Network.
Sa drama lilinya sina Jillian, Althea at Sofia kaya bagay sa kanila ang role sa afternoon soap na Prima Donnas na si Gina Alajar ang magdidirek.
Susuporta sa tatlo sina Aiko Melendez, Chanda Romero, Glaiza de Castro, Katrina Halili at Wendell Ramos.
Well, sino kina Jillian, Sofia at Althea ang lulutang nang husto sa kanilang role?





Comments