top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bayan Muna reps, todo-udyok sa mga estudyante na magrebelde, pero | Buking: Mga anak nina Casiño at

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2019
  • 2 min read

UMINIT ang mga talakayan sa social media nang may nagbalita na ang anak ni dating Bayan Muna representative Teodoro “Teddy” Casiño ay nag-aaral sa isa sa mga pinakasikat at mamahaling es­kuwelahan sa bansa, ang La Salle Greenhills (LSGH) kung saan ang mat­rikula rito ay hindi bababa sa P200,000.

Kaugnay nito, may mga kumalat ding litrato kung saan kasama nito ang kan­yang asawa na nakasuot ng mamahaling kuwintas.

Mayroon ding balita na ang anak ni Carlos Zarate (kasalukuyang Bayan Muna representative) ay nag-aaral na­man sa Italy. May mga litrato raw ito kung saan nakasuot ito ng magagarang damit ha­bang nagse-selfie sa mga tourist spot doon.

Gayunman, hindi kinumpirma ni Za­rate ang balitang ito subalit, si Casiño, galit na kinumpirma ito. Ang sabi niya, may tao raw na nag­magandang-loob na nagbabayad ng mat­rikula ng kanyang anak.

Sinabi pa nitong huwag daw idamay ng mga kalaban niya ang kanyang anak.

Bakit nga ba pinakikialaman pa kung saan nag-aaral ang mga anak ng dala­wang ito?

Ang dahilan, ang dalawang ito ay ba­hagi ng kilusang komunista, mga akti­bista na kumikilos para pabagsakin ang gobyerno.

Matatandaang, naging isyu ito dahil sa mga pagdinig sa Senado ng komi­teng pinamumunuan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung saan umiiyak na isina­laysay ng mga ina ang masakit na nang­yari sa kanilang mga anak.

Naengganyo raw ng Bayan Muna at iba pang maka-kaliwang organisasyon tulad ng Anakbayan ang kanilang me­nor-de-edad na anak kung saan pinili ng mga ito na huminto sa pag-aaral, umalis ng bahay at sumama sa “kilusan”.

Natatakot sila sa kaligtasan ng kani­lang mga anak dahil maraming masasa­mang balita tungkol sa New People’s Army (NPA) kung saan marami sa mga na-recruit o miyembro nito ay namatay sa engkuwentro laban sa militar.

Dahil dito, nang lumabas ang balita tungkol sa mga anak nina Casiño at Za­rate, maraming nagalit sa kanila.

“‘Yung mga anak pala ninyo, ang sarap ng buhay na nag-aaral sa ma­mahaling mga eskuwelahan, eh, bakit ninyo ini­eng­ganyo ang ibang kabataan na iwanan ang kanilang pag-aaral, pu­munta sa bun­dok at sumapi sa NPA?”

Palusot ni Casiño, “My sons are not activists. Not yet. They are only 11 and 16 yrs. old.” Talaga, ha?

Bilang magulang, may karapatan sina Casiño at Zarate na pag-aralin ang ka­nilang mga anak sa mga prestihiyosong es­kuwelahan para masiguradong maka­ku­kuha ang mga bata ng magandang edukasyon nang sa gayun, makahanap sila ng magandang tra­baho na may malaking kita sa hinaharap.

Totoo ‘yun, pero ang sa atin lang, sana, huwag silang magpakaipokrito na ud­yukan ang ibang kabataan na mag­rebo­lusyon, sumali sa mga rebelde at mama­tay sa bundok.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page