top of page
Pokwang.jpg

‘Wag sugod nang sugod... MGA DAPAT TANDAAN NG TURISTA SA KANYANG PUPUNTAHAN

Jersey Sanchez
Aug 19, 2019
2 min read

For sure, may travel goals ka at may listahan ka na ng mga lugar na gusto mong puntahan, pero hindi lang dapat du’n matapos ang travel goals mo dahil kapag nagbakasyon ka, dapat maging responsableng traveler ka rin. Kayang-kaya ninyo itong gawin dahil narito ang ilang tips para maging responsableng turista:

1. ITAPON NANG TAMA ANG BASURA. Given na ito, mga beshy! Ba­gama’t, napakadaling ga­win nito, marami ang hindi nagpa­pahalaga rito. Anuman ang dala ninyo, make sure na sa tamang basurahan ito itatapon dahil nasa bakas­yon man o hindi, ito ang dapat nating gawin.

2. WALK, WALK, WALK MAN­TRA. Maraming lugar sa bansa ang ma­sarap libutin kahit nag­lalakad lang. Kung nasa munisipa­lidad kayo, kaya ninyong puntahan ang palengke at restoran nang naglalakad lang dahil magkakalapit lang ang mga ito. Huwag ng mag-tricycle, kotse o taxi para mabawasan ang air pollution. Nakatulong ka na sa envi­ron­ment, nakapag-ehersisyo ka pa. Ayos!

3. HUWAG GAMBALAIN ANG PALIGID. Mga besh, iwasang guluhin ang mga hayop sa kapaligiran, lalo na kung ipi­nagbabawal ito sa lugar. Kapag nasa beach naman, iwasang tumapak sa mga coral o pumitas ng mga bulaklak. ‘Ika nga nila, leave nothing but footprints, take nothing but photos and kill nothing but time. Copy?

4. MAGTIPID NG TUBIG AT KURYENTE. Hindi porke nasa bakasyon tayo, eh, ima-maximize natin ang resources ng hotel tulad ng pagpuno ng tubig sa bath tub, pagbubukas ng TV o aircon kahit nasa labas ka maghapon. Gayundin, kung hindi kailangang magpalit ng bedsheet, huwag na itong gawin.

5. SUBUKAN ANG ECO-FRIEND­LY HOTELS. Bago mag-book ng hotel, ikonsidera ang carbon footprint ng mga ito. Kadalasan, kapag maraming star, mas mataas ang konsumo. Mabuting tingnan ang mga maliliit na hotel na mababa ang carbon foot­print at tangkilikin ang mga ito. Puwede mong ikonsidera ang kubo-style accommo­dation na may magandang ventilation para tipid sa aircon.

6. MAGING WAIS SA TOUR PAC­KAGES. May tour activities na tutol ang environmental at wildlife activists tulad ng dolphin show, pagsakay sa elepante o pag­papa-picture sa whale shark. Makatutu­long ang pagre-research tungkol sa tamang pag­trato sa wildlife at captive animals, ga­yundin, kumuha ng local guide na may ma­lasakit sa kanilang komunidad.

Masarap mag-travel kung alam nating nakatutulong tayo sa kalikasan, partikular kung saan tayo pumunta. Tandaan, kung hin­­­di natin aalagaan ang tourist spots sa ban­sa, hindi na ito makikita ng mga susunod na henerasyon. Kaya mga besh, make sure na magiging responsableng traveler tayo, ha?

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page