Okay siya, hindi naospital — Palasyo | P-DIGONG, ILANG ARAW NANG NO SHOW
- Mylene Alfonso
- Aug 18, 2019
- 1 min read

ABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang trabaho kaya ilang araw nang hindi ito nakikita ng publiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maraming ginawa si Pangulong Duterte sa kanyang opisina, bukod pa sa private meetings at courtesy calls nitong nakalipas na linggo. “Marami kasi siyang ginagawang ano, eh, madaming papeles, private meetings at courtesy calls. So, busy siya,” ani Panelo.
Itinanggi ng kalihim na naospital ang presidente at katunayan ay malakas pa umano ito sa kanya.
“Basta naririnig n’yo pang nagpu-PI, okay na okay siya. Kausap ko lang, malakas pa sa akin ‘yun, eh. He is always ok. He will be the first one to tell us if he is not,” dagdag pa ni Panelo.





Comments