Nag-post sa socmed na kahit naka-dextrose, kayod pa rin | Mayor Isko, epal na, OA pa!
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 2 min read
HIRIT NG NETIZEN KAY MAYOR ISKO NA NAGTATRABAHO HABANG NAKA-DEXTROSE, EPAL — Nag-viral sa social media ang litrato ni Manila Mayor Isko Moreno na naka-dextrose habang may mga pinipirmahan sa kanyang tanggapan.
Naku, dapat tigil-tigilan ni Mayor Isko ang pagpo-post sa social media ng ganyang picture dahil baka ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon ay humantong sa pagkalaos kasi maraming netizens ang nainis sa diskarte niyang ito na bilang alkalde ay sinasabayan niya ng kaepalan, boom!
◘◘◘
MGA BANGKO, TRIP MAKIKALTAS SA SUWELDO NG MGA MANGGAGAWA — Karamihan sa mga manggagawa sa pribado at gobyerno ay sa ATM kinukuha ang kanilang suweldo, kaya hindi katanggap-tanggap sa publiko kung mapapayagan ang kagustuhan ng mga bangko na magpataw ng hanggang P30 kaltas sa service charge sa kada withdrawal sa ATM.
Mantakin ninyo, marami nang kaltas sa suweldo ng mga empleyado, tapos ang mga bangko, gusto ring makikaltas, buwisit!
◘◘◘
MGA “BUWAYANG” PCSO OFFICIAL AT EX-GENERAL NA KASABWAT NG MGA JUETENG LORD, PANGALANAN NA — Nag-promise noon si P-Duterte na papangalanan niya ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at retired general na sangkot sa anomalya sa mga pasugalan ng PCSO.
Sana ay pangalanan na ni P-Duterte at sampahan ng kaso ang mga ito para makulong bilang kabayaran sa ginawa nilang pambubulsa sa kita ng PCSO, kasi dapat ang mga mahihirap na humihingi ng tulong-pampagamot sa PCSO ang nakinabang dito at hindi ang mga korup na PCSO official at ex-general na kasabwat ng mga gambling lord sa operasyon nilang STL con jueteng, period!
◘◘◘
PUSLITAN NG EPEKTOS SA MGA DAUNGAN SA MGA PROBINSIYA, TULOY PA RIN! — Nasabat ng mga awtoridad ang P2 million smuggled yosi o sigarilyo sa Port of Zamboanga City.
Patunay ‘yan na bukod sa Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP) at Customs-NAIA ay tuloy pa rin ang puslitan ng mga epektos sa mga daungan sa mga probinsiya, pwe!





Comments