Na-depressed daw… NADIA, KUMANTANG 13-ANYOS LANG ANG ANAK NA BABAE NANG MAG-SUICIDE


VERY emotional si Nadia Montenegro nang ibulgar sa episode ng Magandang Buhay last Wednesday (August 14) na dumaan sa depression ang isa niyang anak.
Nagsimula raw ma-depressed ang anak ni Nadia pagkatapos yumao ang ama nitong si dating Caloocan Mayor Macario ‘Boy’ Asistio two years ago.
“Dalawang taon nang nawala ang daddy nila and kani-kanya kami ng grieving (process). Hanggang sa last year, tinawag ako ng guidance counselor ng school. Sabi nila, may napapansin sila sa anak ko,” saad ni Nadia sa Magandang Buhay.
Ang anak na tinutukoy ni Nadia ay si Ayisha. Thirteen years old lang daw si Ayisha noon pero gusto nang magpakamatay.
“Heartbreaks are not just because of love, it’s because they lost a parent. So, naging mahirap,” pag-amin ni Nadia sa mga hosts ng MB na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.
Tinanong ni Nadia ang kanyang anak kung bakit nagawa nitong mag-suicide.
“Sabi ko, ‘You know, the only thing you need to do is pray to God. Alam mo naman na kapag we take our life, hindi tayo mapupunta sa langit,’” sabi ni Nadia sabay sa pagtulo ng kanyang mga luha.
Kasunod nito ang pasasalamat ni Nadia sa Panginoon dahil sa pag-ahon ng kanyang anak sa matinding depresyon.
“Alam mo, praise God, ‘yung anak ko na nag-try mag-suicide, tapos na po siya sa School of Discipleship. Magpa-pastora na po siya,” say pa ni Nadia.
Noong July 14, ibinahagi ni Nadia sa kanyang Instagram ang pagtatapos ng anak na si Ayisha sa nabanggit na kurso.





Comments