Massage SPA, nilimas ng mga ‘kustomer’

PINASOK ng ilang kalalakihan ang isang spa sa JP Laurel Highway, Bgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.
Alas-11:45 ng gabi, nagkunwari pang mga kustomer ang mga suspek.
Agad nilang tinungo ang kahera sabay tinutukan ng patalim saka nagdeklara ng holdap. Isa-isa nilang itinaling parang baboy ang mga empleyado at tao sa naturang lugar.
Mabilis nilang tinangay ang kita at mamahaling kagamitan ng mga biktima bago nagsitakas.
Inaalam pa kung nahagip ng CCTV footage ang naturang pangyayari na posibleng ikalulutas sa insidente.





Comments