Kesa mabuwisit at ma-stress... MGA PUWEDENG GAWIN PARA HINDI MASAYANG ANG ORAS SA TRAPIK

NAKAKAASAR talaga ang trapik dito sa Pilipinas, ‘yung tipong mas napagod ka pa sa biyahe kaysa sa trabaho at pag-aaral, kaloka! Kaya habang hindi pa nahahanap ang solusyon para ito ay matuldukan, tayo muna ang mag-adjust, mga besh!
Narito, ang ilang mga bagay na puwedeng gawin kapag na-stuck sa trapik:
1. MANOOD NG MOVIE. Yes, mga beshy, sa tindi ng trapik ngayon sa bansa, imposibleng hindi ka makatapos ng kahit isang movie. Ha-ha-ha! Sakto ngayong usung-uso ang Netflix na maraming magagandang palabas na pagpipilian.
2. SCHOOL AT OFFICE WORK. Kung estudyante ka o empleyado, best time ang pagka-stuck sa traffic para magawa mo ang mga kailangan mong gawin sa school o trabaho, lalo na sa mga beshy natin diyan na hindi nakagawa ng assignments, alam n’yo na, ha?
3. MATULOG O MAGPAHINGA. Marami talagang nasasayang na oras kapag trapik, kaya kung pagod ka at inaantok, bakit hindi ka muna matulog nang sa gayun pag-uwi mo ng bahay, eh, medyo nakapag-recharge ka na at may time ka pang makipag-bonding sa pamilya mo.
4. GAWIN ANG HOBBIES. Mahilig ka bang magsulat, mag-drawing, kumanta o maglaro ng games sa cellphone? Perfect ang pagka-stuck sa trapik para magawa mo ang mga bagay na ito, besh! Kaya ano pa ang hinihintay ninyo?
5. MAKA-BONDING NANG MATAGAL ANG GF/BF O KAIBIGAN. Siyempre, pabor sa iyo ang trapik kapag ang kasama mo, eh, ang boyfriend/girlfriend o kaibigan mo. Sabi nga, instant date na ‘yun, kaya hangga’t stuck kayo sa trapik, eh, sulitin n’yo na ang oras na magkasama kayo.
Sakit sa ulo ang matinding trapik, pero kung marunong tayong i-handle ito, for sure, masusulit din natin ang oras na maaaring masayang kung tutunganga lang tayo.
Kaya make sure na susundin ninyo ang tips na ito, ha?
Okay?





Comments