top of page
Pokwang.jpg

Defense secretary, dudang gagamitin ang mga POGO para sakupin ang bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 18, 2019
2 min read

AYON kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, hindi siya komportable na ang kinala­lagyan ng mga pogo ay ma­lapit sa kampo ng militar. May mapa kung saan maki­ki­tang napakalapit ng mga pogo sa mga kampo.

Sa ngayon, marahil ay wala pang kailangang ikata­kot, pero hindi malayong mangyari na may mga espiya na sa mga pogo. Ngayon pa lang ay may mga nagaganap nang krimen kung saan mga taga-mainland China ang binibiktima ng kanilang mga kababayan mismo.

Siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga isyu sa karagatan. Kamakailan, umal­ma ang militar natin sa pagla­yag ng mga barkong-pandig­ma ng China sa Sibutu Strait na malinaw na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas nang walang paalam o pahintulot. Ang nakadidismaya, hindi lang ito isang beses nangyari.

Malinaw na hindi ipinaa­alam ng mga barkong-pan­digma ang kanilang lokasyon dahil pinatay nila ang kani­lang automatic information system. Ayon sa Palasyo, hindi ‘yan gawain ng kaibigan.

Dapat siguro, tanungin nila ang opisyal sa Beijing mismo, tutal malakas naman ang kasalukuyang gobyerno sa mga Chinese.

Hindi ma­labong bubu­husan na naman ang gob­yerno ng bilyun-bil­yong pangako ng ‘pamu­mu­hunan’ para sa mga pro­yek­tong imprastruktura ng ban­sa, para oks na ulit o bati-bati na naman ang lahat. Siguro, ang paniniwala ng China, pu­wede nilang gawin ang lahat sa Pilipinas dahil dito. Na­kalulungkot, hindi ba ta­laga nila maintindihan ang salitang respeto?

◘◘◘

Tumindi ang nagaganap na kilos-protesta sa Hong Kong sa unti-unting pag­kontrol at pakikialam ng China sa kanila. Ilang araw naging paralisado ang kani­lang paliparan nang dumagsa ang mga nagpoprotesta. Naglabas din ng mga babala ang gobyerno na pansaman­talang ipagpaliban ang pag­biyahe sa Hong Kong.

Ayon sa ulat, pati ang mga opisyal ng kilalang air­line na Cathay Pacific ay apektado rin sa nagaganap na protesta. Naglabas ng pa­hayag ang Beijing na hindi nila pahihintulutang makali­pad sa mainland China ang anumang eroplano ng Ca­thay Pacific na tinatauhan ng mga sumali sa nangyayaring kilos-protesta.

Kaugnay nito, dalawang piloto ang sinibak kaya wa­lang magawa ang kumpanya kundi ang sumunod. Babala rin umano ito sa mga em­pleyado na huwag sumali sa mga protesta, anuman ang katayuan nila sa mga isyu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page