2 tulak timbog sa buy-bust
NORTH COTABATO — Naaresto ang dalawang drug pushers sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Inug-ug, Pikit.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Buhari Edris at Reybodin Biang, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar at dito nadakip ang mga suspek na nakumpiskahan ng ilang sachets ng shabu at markadong pera.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang barangay.





Comments