top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

SMB, ‘DI NA BUMITAW KAMPEONATO, KINABIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2019
  • 1 min read

HINDI na pinatagal ng San Miguel Beer ang laban, nilasing nila ang TNT KaTropa, 102-90 sa Game 6 upang sikwatin ang titulo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumayod si import Chris McCullough ng 35 points at 13 rebounds upang tulungan ang Beermen na ilista ang 4-2 sa kanilang best-of-seven finals. Ipinaramdam agad ng Beermen ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 10-point lead, 45-35 sa halftime. Nanatili ang malaking bentahe ng San Miguel Beer sa third canto, tangan nila ang 74-63 papasok ng fourth canto.

Inakbayan sila ni McCullough, nakapagtala agad ng 25 puntos sa tatlong quarters. Naging matatag ang San Miguel Beer sa payoff period upang masilo ang matamis na panalo. Nakauna ang KaTropa sa serye nang kapitan ang 2-1 abante. Subalit lumagok ang Beermen ng dalawang sunod na panalo para maagaw ang bandera, 3-2.

Samantala, muling tinapik ng Meralco Bolts ang serbisyo ni Allen Durham bilang reinforcement nila sa 2019 PBA Governors’ Cup sa susunod na buwan. Inanunsiyo ng Meralco noong Huwebes, pang-apat na sunod ni Durham sa paghugot sa kanya ng Bolts at pang-lima sa kabuuan sa PBA. Unang naglaro si Durham noong 2014 sa naligwak na Barako Bull Energy at makalipas ng dalawang taon ay bumalik siya para maglaro sa Meralco Bolts at binitbit niya sa Finals.

Sa sumunod na taon ay bumalik si Durham sa Bolts at muling natalo sa Finals kontra Barangay Ginebra. Hanggang semifinals lang ang naabot ni Durham sa pangatlong balik niya sa Meralco, natalo sila sa Alaska Aces noong 2018. May average si 6-foot-5 Durham na 28.6 points, 17.1 rebounds, 7.2 assists at 1.1 blocks nakaraang season. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page