top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Naglalaro sa buhanginan, nahakot | 1 YEAR OLD, PATAY SA PAYLOADER

V. Reyes
Aug 17, 2019
1 min read

ISANG musmos na naglalaro sa buhanginan sa La Paz, Iloilo ang namatay matapos aksidenteng maha­kot ng payloader, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Hindi umano namalayan ng operator ng payloader na may batang naglalaro sa buhangin nang hakutin niya ito.

“Tumakbo ako agad, si­nigawan ko ang opera­tor,” anang saksi. “Humin­to siya. Akala niya ‘yung bata nasa lupa at nagu­lungan niya. Sabi ko, nan­diyan sa bucket mo.”

Ilang beses na raw pinag­sabihan ng operator ang na­nay ng bata na bantayan ang anak na naglalaro sa cons­truction site.

Isinugod sa ospital ang isang taon lamang sa panga­lang Nonoy pero, idineklara itong dead-on-arrival dahil sa mga sugat at pasang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi na raw magsasam­pa ng reklamo ang pamilya ng bata matapos silang ma­kipagsundo sa operator ng payloader.

Nangako naman ang operator na sasagutin ang pagpapalibing sa bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page