top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Istayl ni Mayor Isko sa Maynila, ginaya lang kay Bayani Fernando

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
1 min read

BUMALIK na ang sikat ng araw.

Baka matuyo ulit ang Angat Dam!

◘◘◘

MAY bagong peli­kula si Kris Aquino.

Maingay na naman sa showbiz!

◘◘◘

NATURAL na natural ang pagganap ni Judy Ann Santos sa “Ang Probinsyano”.

Siya ay burikak na mamamatay-tao!

◘◘◘

DIREKTA raw sisi­tahin ni P-Digong si Chinese Pres. Xi Jin­ping kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).

Nagdyo-joke na naman siya!

◘◘◘

WALA pa ring so­lus­yon sa matinding trapik sa EDSA.

Oh, balasahin ulit ang MMDA!

◘◘◘

PERA-PERA lang ang trapik.

May “tara” pa rin ang mga traffic executives!

◘◘◘

MAY nagsasabing ibalik sa MMDA si Bayani Fernando.

Hindi po ako ‘yun!

◘◘◘

ORIHINAL na estilo ni Ka Bayani sa Mari­kina ang ginawa ni Mayor Isko sa May­nila.

Ngayon, dinided­ma na lang siya!

◘◘◘

WALANG talo si Sen. Manny Pacquiao kapag kumandidatong bise-presidente.

Pati si Floyd May­weather, Jr. ay hindi kokontra!

◘◘◘

SI Gat Andres Boni­facio raw ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Bise-presidente ang kanyang misis!

◘◘◘

WALANG gaanong aktibidad ang mga iskul kaugnay ngayong Buwan ng Wika.

Watyusey?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page