top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

GOLD SA SEAG AT OLYMPICS, ISUSUNTOK NI JOSIE GABUCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
1 min read

WALANG ibang nasa isip ngayon si four-time Southeast Asian Games gold medalist Josie Gabuco, kundi ang makapagwagi ng SEAG gold medal para sa ika-5 beses niyang pagtuntong sa biennial event, maging sa pagsampa niya sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Sa kabila ng dinanas na wrist injury, naniniwala si Gabuco na kaya pa rin niyang abutin ang kanyang pangarap. “Kaya ko pa naman po. May ibubuga pa,” saad ni Gabuco sa sportswriters ng 35th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros noong Huwebes.

Sinabi ng 32-anyos na pride ng Puerto Princesa, Palawan na ang patuloy na tiwala at kumpiyansa ng ABAP (Association of Boxing Alliances in the Philippines), maging ng coaching staff, ang inspirasyon niya para pagbutihin ang kanyang mga laban.

“Kung sila nga, patuloy na nagtitiwala sa akin, bakit ako hindi? They do their job as my coaches, so I have to do my job as their boxer,” dagdag ni Gabuco, na unang nakilala nang maka-gold noong 2004 National Open at mapabilang sa national team. Tiniyak din ng gold medal winner sa light flyweight category noong 2012 AIBA Women’s World Boxing Championships na iigi na ang lagay ng kanyang wrist injury sa susunod na dalawang linggo at babalik ang lakas bago ang SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page