top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

For sure, glad siya… MAGALING NA AKTRES, PINIPIRATA NG NETWORK, BUKOD SA SERYE, MAY MAGANDANG ALOK K

  • Nitz Miralles
  • Aug 17, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MAY nangyayaring negosasyon sa kampo ng isang magaling na aktres at bossing ng isang network tungkol sa offer para lumipat ito sa kanila. Ilang beses na raw nag-usap ang kampo ng aktres at bossing ng network, pero wala pang na­pagkakasunduan.

Hindi pa nakikipag-usap ang aktres sa mga bossing ng network, ang representative pa lang niya ang humaharap sa mga ito at ang tsika sa amin, maganda ang offer sa aktres para lumipat.

Bukod sa teleserye, may iba pang shows na ipinangako, kaya hintayin natin kung mae­engganyo ang aktres at ang kanyang kampo na tanggapin ang offer at iwan ang network kung saan matagal siyang nagtrabaho.

Malaking balita ito ‘pag umalis ang magaling na aktres sa network niya ngayon para lumipat sa kabila. Pero wala namang adjustment sakaling lumipat siya dahil marami siyang friends sa lilipatang istasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page