top of page

Alamin: mga sintomas ng goiter

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Mula nang mapansin kong may bukol sa aking leeg, madalas na akong nakararanas ng mainit na pakiramdam at ngayon ay parang lumuluwa ang aking mga mata. May nakapagsabi sa akin na baka goiter daw ang bukol sa aking leeg kaya nabahala ako. Maaari ba ninyong talakayin ang mga sintomas ng goiter? — Lolita

Sagot

Narito ang ilang sintomas ng goiter:

  • sobrang pawisin

  • mabilis ang tibok ng puso

  • nanginginig ang mga daliri (tremor)

  • nerbiyosa at iri­table

  • init na init ang pakiramdam

  • irregular ang regla

  • mainit at mamasa-masa ang balat

  • pagluwa ng mga mata

Ang mga nabanggit na sintomas ay nara­ram­daman ng may hyperthyroid dahil ang metabolismo ng kanilang katawan ay masyadong aktibo. Gayunman, para makasi­gurado, makabubuti kung magpati­ngin para sa T3, T4 at TSH para makatiyak kung may toxic goiter ang pasyente.

Narito ang ilan sa mga gamu­tan para rito:

  • Mga gamot tulad ng methimazole, propylthiouracil (PTU).

  • Paggamit ng radioactive iodine (I31- I) at limitado lang ito sa mga pasyenteng edad 25 pataas at hindi ito puwede sa mga nagdadalantao.

  • Operasyon sa thyroid gland kapag ang metabolismo ay normal na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page