‘Epalitiko’ sa Free Wifi, pinalagan

AGAD na tinawag ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang atensiyon ng Eastern Communications para palitan ng MNLkonek ang inilunsad na ISKOnek na nagbibigay ng libreng WiFi sa Bonifacio Shrine.
Una rito, ginawang isyu ng mga netizen ang inilagay na ISKOnek na pumapasok sa ‘epalitiko’. “For everyone’s information po, yes, from ISKOnek, pinapalitan na namin siya ng MNLKonek na,” ayon sa Manila Public Information Office.
Nabatid na ang ISKOnek ang pinili ng Eastern Communications kung paano i-brand ang WiFi kiosk.
Matapos punahin ng mga netizen, minabuti nila na papalitan ito sa Eastern Communications kung saan patunay lamang umano na sensitibo si Moreno sa mga sinasabi ng publiko.
Bukod umano sa libreng WiFi connections, maaari ring magamit ng publiko ang kiosk para sa landline calls, social networking at video calls.





Comments