LOCKDOWN, PAMOSTE

AALAGWA ngayong gabi ang 7 karera ng Condition Race at Group Race sa pagpapatuloy ng laban sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas.
Nakatakdang bitiwan ang Winner Take All, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6.
Sa pagsisimula ng WTA sa Race 1, may kahirapang pumili ng pamoste at iminumungkahi ang tatlong kalahok na pangungunahan ng Boy Paradise, Crystal Creek at Kaleidoscope.
Sa gaganaping Pick 6 sa Race 2, ipinapatok ang Little Kitty habang ang High Ranks at Sabtang Island ang kalaban.
Sa Race 3, simula ng Pick 5 ay nakalalamang ang Hello Junior, makakalaban ang couple entry na Dangerous Willie at Luyang Cave at ang Alupay Star ay may tsamba.
Ipinapatok ang Cats Dream habang ang Cleave Ridge at Oh Neng ay may panalo sa Race 4 na umpisa ng Pick 4.
Matibay na pamoste ang Lockdown at posibleng makalaban ang Raging War at Baisakhi sa Condition Race 16.
Magkakasubukan ang Real Steel, Show the Whip at AbsoluteResistance sa 1,200 meters na distansiya.
Ipinapatok ang Heart and Soul samantala, magbibigay ng magandang laban ang Artikulo Uno at Kid Kenshin at magiging paratingan ng WTA, Pick 6, Pick 5, at Pick 4 sa Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Kaleidoscope (7) Boy Paradise (3) Crystal Creek (4) Race 2-Little Kitty (7) High Ranks (2) Sabtang Island (3) Race 3-Hello Junior (1) Entry No.2 Alupay Star (6) Race 4-Cats Dream (2) Cleave Ridge (1) Oh Neng (3) Race 5-Lockdown (7) Raging War (4) Baisakhi (5) Race 6-Real Steel (1) Show the Whip (2) Absolute Resistance (6) Race 7-Heart and Soul (1) Artikulo Uno (3) Kid Kenshin (2)
Resulta ng Karera Miyerkules, Aug.14 Race 1-Simply Believe (4) Finish: 4/10/7/1/2/9/P5.00 WIN (4) P15.00/P5.00 FC (4/10) P132.00/P2.00 TRI (4/10/7) P220.60/P2.00 QRT (4/10/7/1) P531.80/P2.00 PEN (4/10/7/1/2) P2,125.20 P2.00 SIX (4/10/7/1/2/9) P2,543.80 Race 2-Prince Popeye (4) Finish: 4/7/3/6/1/P5.00 WIN (4) P6.50/P5.00 FC (4/7) P25.50/P2.00 TRI (4/7/3) P29.00/P2.00 QRT (4/7/3/6) P92.40/P2.00 PEN (4/7/3/6/1) P309.40/P5.00 DD (4/4) P12.00





Comments