BUWISIT NA BUWISIT SA KATRABAHO NA SOBRANG ANGAS AT DAIG PA ANG AMO
- ROMA AMOR
- Aug 16, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Ash, 22 years old. Sumulat ako dahil nahihirapan na talaga ako. Mayroon akong katrabaho na hindi ko na ma-take ang ugali. Sobrang yabang niya, as in! Matagal na siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan namin habang ako ay ilang buwan pa lang sa trabaho. Pasensiyoso akong tao, pero sobrang sagad na sagad na ako sa katrabaho kong ‘yun! Kung umasta siya, daig pa niya ang boss at tagapagmana ng kumpanya. Ano ang dapat kong gawin para ma-handle ang ganitong klase ng tao? — Ash
Ash,
Sadyang toxic kapag may ganyan kang klase ng katrabaho, ‘tol, pero, hindi nawawala ang mga ganyan kahit saang trabaho. Kung maiinis ka nang maiinis sa kanya, lalo ka lang matatalo dahil lahat na ng gagawin niya ay kaiinisan mo. May pagkakataon ding ang mga ganitong klase ng tao ay lalo pang gagawa ng mga bagay na ikaiinis mo para bumitiw ka sa trabaho mo. Chill lang, bro! Pero, kung hindi mo na kaya ang ugali niya, mas makabubuting mag-explore ka na lang sa iba. Ang toxic na trabaho ay hindi maganda sa kalusugan. Bata ka pa at marami ka pang opportunity na matatanggap. Kung hindi kayang aksiyunan ng kumpanya ang ganyang ugali ng ilang trabahador nila, huwag mo nang sayangin ang oras at panahon mo lalo na kung hindi ka na masaya sa ginagawa mo. ‘Yun lang. God bless!





Comments