Tatay pinagtataga, anak arestado

GINAGAMOT ang isang ama matapos pagtatagain ng kanyang anak sa Bgy. Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon.
Alas-10:10 ng gabi, abala sa panonood ng telebisyon ang biktimang si Domino Laurio, 65, biyudo, magsasaka, nang dumating ang suspek na si Rommel Laurio, 48, may asawa, walang trabaho.
Armado ang suspek ng itak nang sugurin at pagtatagain ang kanyang tatay na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagawa pa nitong makapagtago sa palikuran upang makaiwas sa pag-atake ng anak hanggang sa mapansin ng suspek ang pagdating ng mga awtoridad.
Dali-dali itong tumakas na agad namang nasukol ng pulisya. May personal na galit umano ang suspek kaya tinangka nitong patayin ang ama.





Comments