top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mon tulfo, gustong maging ambassador, todo-palakas kay P-Digong, sablay naman

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 15, 2019
2 min read

HINDI pa rin nadadala ang brodkaster na si Ramon Tulfo.

Pinakahuling tinira niya ay ang assistant commissioner ng Bureau of Internal Revenue!

◘◘◘

NASORPRESA si Teresita Angeles, assistant commissioner for client support services sa BIR na nang makita ang artikulo ni Tulfo noong Aug. 6.

May titulong “Conversation between two BIR execs reveals all”!

◘◘◘

LUMABAS din ang artikulo noong Aug. 8 na may titulong “I’m helping Digong clean up the Augean stables.”

Sa kanyang artikulo noong Aug. 6, 2019, inilahad ni Tulfo ang sinasabing pag-uusap na naganap sa pagitan nina Angeles at Don Samson, tinaguriang chief of staff ni BIR commissioner Caesar Dulay!

◘◘◘

Ayon kay Tulfo, sina Angeles at Samson ay nag-usap daw tungkol sa lantarang korupsiyon sa BIR sa ilalim ni Dulay at ito ay nakuha umano sa video.

Noong Aug. 8 article naman, sinasabi ni Tulfo na si Angeles ay nailagay sa “floating status” dahil sa video at ang kanyang mga pinuno sa BIR ay tumanggi raw na i-share sa kanya ang mga nakulimbat!

◘◘◘

SA sulat na ipinadala sa The Manila Times kung saan nailathala ang ang mga artikulo, sinabi ni Angeles na ang mga sinasabi ni Tulfo sa kanyang dalawang artikulo ay malisyoso, haka-haka at pawang kasinungalingan lamang.

Sa katunayan, sinabi ni Angeles na ang mga pag-uusap umano niya kay Samson na executive assistant ni Dulay at hindi chief of staff ay hindi naganap dahil hindi niya nakasama si Samson noong panahon na nag-aral siya sa Harvard!

◘◘◘

“The least (Tulfo) could have done was to confront us and validate whether we were indeed the persons in the video instead of hiding in the motherhood phrase used by journalist ‘my sources said,” wika pa niya sa kanyang liham.

Dagdag pa ng opisyal, hindi siya nailagay sa “floating status” dahil sa sinasabing video at sa katotohanan ay naging assistant commissioner for Client Support Services pa!

◘◘◘

PALIWANAG pa niya, hindi niya inakusahan o inaakusahan ang commissioner o maging ang ibang tax officials na kumukuha ng bribe money mula sa mga kasong hinahawakan ng BIR, dahil sa totoo lang, lahat ay lumalabas na aboveboard.

“The claim of Mr. Tulfo that, “her (referring to me) corrupt superiors at the BIR apparently didn’t want to share the loot with her’ is again downright malicious, libelous and leaves himself open to sanctions under our laws,” wika ni Angeles!

◘◘◘

PANIBAGONG isyu ito na tiyak mahihirapan si Tulfo na sagutin.

Maaapektuhan nito ang relas­yon ni Tulfo kay P-Digong dahil maa­aring pagdudahan ang kan­yang kredibilidad!

◘◘◘

ISANG payong kapatid, kung nais ni Tulfo na maglingkod sa gobyerno tulad ng pagiging ambassador, dapat siyang magbitiw sa kanyang propesyon.

Kung mahal niya ang kanyang propesyon, hindi siya dapat tumang­gap ng trabaho o responsibilidad sa pamahalaan.

Hindi maaaring magkaroon ng “dalawang panginoon” ang isang matinong nilalang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page