MMDA chairman Lim, takot masabon sa Yellow lane policy, no show sa senado
- BULGAR

- Aug 15, 2019
- 2 min read
MGA KABABAYAN NI VP LENI, LIBRE NANG MAKAPAGPAPAGAMOT DAHIL SA MALASAKIT CENTER NINA P-DUTERTE AT SEN. “BONG” GO —Nitong nakalipas na Agosto 3, 2019, pinasinayaan ni Malasakit Center Founder Sen. Christopher “Bong” Go sa tulong ni Sec. Michael Lloyd Diño, Presidential Asst. for the Visayas at OIC ng Malasakit Center, ang ika-39 Malasakit Center Project ng Duterte gov’t. sa Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur.
Aba, dapat palang mag-"thank you” ang lider-oposisyon na si VP Leni Robredo kina P-Duterte at Sen. Go kasi libre nang makapagpapagamot ang kanyang mga kababayan sa Bicol Medical Center sa pamamagitan ng Malasakit Center Project ng Duterte gov’t., period!
◘◘◘
HINDI NAGKAMALI SI P-DUTERTE SA PAGTALAGA KAY EX-COL. GARMA SA PCSO—Nang italaga ni P-Duterte si dating Police Col. Royina Garma bilang general manager ng PCSO, ang unang ginawa nito ay inimbestigahan ang mga anomalya sa ahensiya at nang makumpirma ang korupsiyon ay agad niya itong ipinarating sa Malacañang na nagresulta upang ipatigil ng pangulo ang operasyon ng STL (small-town lottery), Peryahan ng Bayan at Keno.
Kung ganu’n, hindi pala nagkamali si P-Duterte sa pagtalaga kay GM Garma sa PCSO dahil tunay na anti-corrupt pala ito, palakpakan naman d’yan!
◘◘◘
INISNAB NI CHAIRMAN DANILO LIM ANG SENATE PROBE KASI ALAM NIYANG “MASASABON” SIYA SA PALPAK NA YELLOW LANE POLICY NG MMDA SA EDSA —Hindi sumipot si MMDA Chairman Danny Lim sa pagdinig ng Senado kaugnay sa bus yellow lane policy ng MMDA na nagdulot ng matinding trapik sa EDSA.
Talagang iisnabin ni Chairman Lim ang Senate probe kasi alam niyang “masasabon” siya nang husto sa palpak na bus yellow lane policy nila sa EDSA, boom!





Comments