Laborer nilikida ng riding-in-tandem
Pabs Hernandez III
Aug 15, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang laborer ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion 1, Midsayap.
Nakilala ang biktima na si Giovanni Cariaga, nakatira sa Bgy. Bual Sur sa nasabing bayan.
Nabatid na naglalakad umano si Cariaga nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments