top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Health workers, kumuha ng civil service para tumaas ang posisyon | PUBLIC HOSPITALS, IHAHANAY SA MGA

  • Mylene Alfonso
  • Aug 15, 2019
  • 1 min read

PLANONG ihanay ang Ospital ng Maynila sa mga first class hospital tulad ng St. Lukes at Makati Medical Center.

Sa pulong ni Mayor Fran­cisco ‘Isko Moreno’ Do­­magoso, kasama ang di­rectors, doctors, staff at nurses mula sa anim na pi­natatakbong ospital ng May­nila, sinabi ng alkalde na suportado niya ang pag­kakaloob ng pinakamagan­dang health care service sa mahihirap.

Nabatid na katuwang ni Moreno sa proyektong ito si Vice-Mayor at City Coun­cil Presiding Officer Honey Lacuna.

“Hindi kailangang pub­lic hospital, eh, public hospi­tal din ang hitsura. Ang isang mahirap, makaramdam man lamang ng tunay na pagkalinga sa kanyang hu­ling hininga man lang, ‘yun ang goal natin,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, hinikayat ni Moreno ang mga health worker na kumuha ng civil service para tumaas ang ka­nilang posisyon.

Sinabi ni Moreno na kung kuwalipikado para sa promosyon, dalhin ito sa kan­yang tanggapan at ni Lacuna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page