Driver dedbol sa van
CAVITE—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang ipinapasada nitong tricycle kamakalawa sa Bgy. Cabilang Baybay, Carmona.
Kinilala ang biktima na si Bernardino Tenedero, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Stephen Malayon, residente ng Bgy. Bagong Silangan, Quezon City kaya nabangga nito ang tricycle na ipinapasada ng biktima.
Nakapiit na si Malayon na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments