2 patay, 1 sugatan sa pamamaril
COTABATO CITY—Dalawa katao ang namatay at isa ang sugatan nang barilin sila ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng restoran sa Bgy. Poblacion.
Kinilala ang mga nasawi na sina Anwar Sabang at alyas “Thoe”, samantalang, ang sugatan ay si Monies Guintawan, pawang nakatira sa Maguindanao Province.
Ayon sa ulat, nag-iinuman sa restoran ang mga biktima nang lapitan sila ng mga suspek at agad pinagbabaril sa hindi pa malamang dahilan.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Sabang at “Thoe”.





Comments