Red tide sa vis-min
- V. Reyes
- Aug 14, 2019
- 1 min read

NAGBABALA ang BFAR sa posibilidad na mabiktima ng red tide toxins dahil sa mataas na antas nito sa ilang baybayin sa Palawan, Western Samar, Surigao del Sur at Bohol.
Sa Shellfish Bulletin No. 14 ng BFAR, lumabas na may mataas na paralytic shellfish poison na higit sa regulatory limit. Kabilang sa mga apektadong baybayin ang Puerto Princesa Bay, Palawan; San Pedro, Maqueda, Irong-Irong, Silanga at Cambatutay Bays sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur at sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar.





Comments